These are all my ongoing series in my Patreon site. If you want to support my writings and you want to have access to all these plus receive some other perks (like have your name as character in one of my future books), kindly go to my PATREON SITE and be my patron. If you can’t be my regular patron, however, but you want access to specific works, see my ARCHIVES for the list of all available works.
101 Hakbang sa Pagsusulat ng Nobela
Ang 101 Hakbang sa Pagsusulat ng Nobela ang aking personal na gabay o manwal para sa lahat ng mga nagsisimulang manunulat na gusto ring magsulat ng nobela. Narito ang mga konkretong hakbang at payo mula sa paghahanda hanggang sa mismong pagsusulat hanggang sa rebisyon at hanggang sa paglalathala ng nobela. Lumalabas ito tuwing ika-6 & ika-20 ng bawat buwan at bawat labas ay nagtatampok sa isang hakbang.
Kasaysayan ng Kalibutan
Ang Kasaysayan ng Kalibutan ang pinakabago kong binubuong serye ng mga nobela na isang high fantasy series na naka-set sa isang alternatibong Kalibutan. Lumalabas ito tuwing ika-16 & ika-30 ng bawat buwan at bawat labas ay binubuo ng isang kabanata na may 3,000 hanggang 5,000 salita. Kasalukuyan din itong isineserye sa Liwayway Magazine.
Santinakpan ng mga Pu*a
Ang Santinakpan ng mga Pu*a ang ikatlo’t huling nobela ng aking Trilohiya ng mga Bílang na binubuo ng Walong Diwata ng Pagkahulog (NCCA Writer’s Prize winner, 2005) at Sa Kasunod ng 909 (National Book Award winner for Best Novel, 2013). Lumalabas ito tuwing ika-12 & ika-26 ng bawat buwan at bawat labas ay binubuo ng isang kabanata na may 2,000 hanggang 5,000 salita.
TALArchives
Ang TALArchives ang pagsisinop ko ng lahat ng may kinalaman sa Janus Silang. Early excerpts, napakaraming BTS, deleted sections, plans, studies, mga tala sa creative process, mga hindi ginamit na illustrations at materials, interviews, pagbabahagi ng ilang resources, at iba pa. Kung fan ka ng series, maaaring magustuhan mong magkaroon ng access sa mga ito. Lumalabas ito tuwing ika-8 & ika-22 ng bawat buwan.
1001 Pinoy Komiks
Ang 1001 Pinoy Komiks ang bunga ng pananaliksik ko sa kasaysayan at anyo ng komiks sa Filipinas mula dekada 20. Bawat labas ay nagtatampok sa isang nobelang komiks at naglalaman ng mahahalagang impormasyon, tulad ng pamagat, awtor, ilustrador, publikasyon, bílang ng labas, at petsa ng una at huling labas. Narito rin ang kompleto kong pagbubuod ng kuwento at facsimile ng unang labas na maaaring mabása nang buo. Sa huli, nagbabahagi rin ako ng tatlong bagay na mahalagang pag-isipan sa nobela upang higit pa itong mapahalagahan bilang bahagi ng kasaysayan ng komiks sa bansa. Lumalabas ito tuwing ika-14 & ika-28 ng bawat buwan.
822 Aralin sa Panitikan
Ang 822 Aralin sa Panitikan ang kurso sa ibayong pag-aaral ng Panitikang Filipino para sa mga mag-aaral at guro na gustong magkaroon ng mas malawak at malaliman pang pag-aaral sa panitikan ng bansa natin. Kronolohiko ang seryeng ito sang-ayon sa taon ng pagkakalathala ng mga akdang tinatalakay. Sa mga araling ito rin ako nagsasalin sa Filipino ng mga akdang hindi orihinal na isinulat, at wala pang salin, sa Filipino. Lumalabas ito tuwing ika-10 & ika-24 ng bawat buwan.
Artsibong Atisan
Ang Artsibong Atisan ang pagtitipon ng aking mga nalathalang maiikling akda (tula, personal na sanaysay, kritisismo, maikling kuwento, maging mga panayam, atbp.)––mula sa ilang juvenilia noong 1994 hanggang sa mga pinakabago sa kasalukuyan––sa iba’t ibang publikasyong gaya ng journals, anthologies, magazines, at diyaryo. May kasama rin itong anotasyon tungkol sa kondisyon ng pagkakasulat sa bawat akda. Lumalabas ito tuwing ika-4 & ika-18 ng bawat buwan at bawat labas ay nagtatampok sa isang akda.