Futuristic Fiction

xxx Dahil may mga kailangang harapin. Wala nang saysay sa nakaraan. Ang nagdaan: mga paa, naglalakad nang matulin. Malalim ang pinaghuhugutan ng bisyon. Ambisyon. Rebisyon ng kahapon ang hinaharap, sabi ng ilan. Ngunit walang pangalan ang ilan. Bilang ano? (Bilang, ano?) xxx Pinagtataluhan kung paano magiging kuwento ang kuwan, ano, heto: parang. Habang nakapaligid ang mga puno. Punong-puno ang dibdib ng pangarap. at saan talaga nakalunan ang mga iyon? xxx xxx Ganito nga yata ang panghuhula. Wala ang iluminasyon sa anghel ng kasaysayan ng artista’t kritiko. (Sayang ang pagsasaya.) Astrolohiya ng mga talâ, hindi talà. Talaga nga naman. xxx At ang bunton ng basura, laksang luksa ng imahinasyon. Bokasyon ng Nasyon. Pasyon ng mga Henerasyon. Iyon, iyon. At iuuwi sa numero ang lahat ng pangalan. Gaya noong digmaan, nakatahi sa balat ang pagkakakilanlan. Ng ilan. xxx xxx Dahil nauuwi (naiuuwi) raw sa utopia/dystopia ang pagharap sa darating (hindi pala tinig lamang, Baylen, walang uwak, walang pastulan; kabaliwan!). Daing ang alingawngaw ng wala-pa-naman talaga. Alagang kupkupin ang halaga ng posibilidad. Abilidad ng tao na nakayupyop sa paggalugad ng panahon. xxx At saka siya bibinyagan: Haraya. Dahil wala umanong Alaala ang mga darating pa lamang. xxx xxx Ito ang ating pagkakasala. xxx

(This poem is included in my poetry book Maskara’t Pambata: Malatulambuhay, published by UST Publishing House in 2017. Go to BOOKS to see all my books. If you want to include this poem in your textbook or anthology, kindly contact me to ask for permission. Art work above is by Sean Sonsona.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

%d bloggers like this: